Bidang Misis
Paano Tutugon sa Pag-hamon habang OFW si Mister
“Bidang Misis fulfils our Big Dream for a quick, easy, practical guide - a companion for OFW wives and mothers to make them brave, strong, and joyful. “
- BO SANCHEZ, bestselling author
Tungkol sa aklat
Ngayong OFW na si mister, handa ka na ba sa mga pagbabago sa inyong buhay? Si Bidang Misis ang iyong makaaagapay sa pagharap kung papaano:
• Mag-aruga sa pamilya at kay mister
• Magpalago ng padalang pera ni mister
• Maghanda sa muling pag-uwi ng asawa
Maraming mapupulot na aral sa buhay at payo sa pagbabasa ng librong ito. Huwag kang mangamba!
Kakayanin mo ang mga pagsubok para sa inyong mga pangarap. Dahil ikaw ay Bidang Misis din!
Tungkol sa may akda
Maraming kuwentong nasaksihan tungkol sa buhay OFW si Gitte Quintos. Siya ay asawa ng dating OFW at nagtrabaho sa isang recruitment agency para sa mga Pilipinong patungong ibang bansa.
Ngayon, siya at ang kanyang asawa ay kasapi ng Couples for Christ Migrants Program ministry na tumutulong at gumagabay sa mga pamilya ng mga OFWs.